REGION 1 MEDICAL CENTER, TARGET BAKUNAHAN KONTRA ANG DALAWANG LIBONG BATA EDAD 5-11; VAX SITES, NAGMISTULANG KIDS PARTY

Inaasahang aabot sa dalawang libong (2,000) batang edad 5 hanggang 11 taon ang target na mabakunahan ng Region 1 Medical Center (R1MC) sa lungsod ng Dagupan, kaugnay sa limang araw na Resbakuna Kids.

Sinabi ni Dr. Jocelyn Angeles, Focal Person ng Vaccination Team ng R1MC, tatlong araw na magsasagawa ng pagbabakuna sa nasabing age group ang kanilang pagamutan na kahapon.

Pinaghandaan umano ng pamunuan ng R1MC ang pagbabakuna para sa mga bata kung saan ikinonsidera nila ang pagiging “Kid’s Friendly” ang atmosphere sa loob ng vaccination site na mistulang Children’s Party upang mawala ang takot o pangamba ng mga bata na magpabakuna.

Kabilang sa mga binibigay sa mga bata na matagumpay na nabakunahan ay loot bags, lobo at iba pang token.

Karamihan naman sa mga nagpapabakuna ay mga pre-registered ngunit bukas rin ang vaccination rollout para sa mga walk-in na nais mabakunahan na kabilang sa nabanggit na aged group.

Sapat rin aniya ang suplay ng bakuna na maaaring magamit sa tatlong araw na Resbakuna Kids na gagawin sa pagamutan.

Muli namang hinikayat ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak para magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa COVID-19 lalo at isinusulong narin ang malawakang pagpapatupad ng face-to-face classes. | ifmnews

Facebook Comments