REGION 1, NAKAPAGTALA NG 326 NA KARAGDAGANG KASO NG COVID-19

Bahagyang tumaas ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Ilocos Region base sa datos na inilabas ng Department of Health-Center for Health Development 1.
Sa nakalipas na linggo nakapagtala ang rehiyon ng 326 na bagong kaso. Mas mataas ito ng 5. 8%.
Ang rehiyon ay mayroong 46 na daily average cases ayon sa DOH-CHD1.

Sa nasabing kaso, walo (8) ang severe at kritikal ang kasalukuyang nagpapagaling sa mga hospital.
Sa kasalukuyan nasa 21% o safe level ang ICU BED Utilization ng rehiyon kung saan 45 mula sa 215 ang kasalukuyang ginagamit. | ifmnews
Facebook Comments