REGION 1, NANGUNGUNA SA BUONG PILIPINAS SA MAY PINAKAMATAAS NA VACCINE TURN OUT PARA SA 12-17 YEARS OLD

Nanguna ang Region 1 sa buong Pilipinas sa ginagawang vaccination roll-out kontra COVID-19 para sa Pediatric Population para sa edad 12-17.
Sinabi ni Regional Dir. Paula Paz M. Sydiongco ng Department of Health, Center For Health Development I sa isinagawang CODE Team Visit, umabot na sa 96% ng total population ng nasabing aged group ang fully vaccinated o may kabuuang 524,827 mula sa kanilang target na 543,000 na mga bata.
Ito ang malaki umanong achievement sa patuloy na pagsisikap ng lahat ng vaccination teams sa buong rehiyon.

Dagdag pa nito, pumalo na rin sa 43, 959 ang mga batang edad 5-11 ang nabigyan ng kanilang first dose.
Patuloy naman nilang hinihikayat ang publiko partikular ng mga nasa essential sectors na bagamat naabot na ang 153% na fully vaccinated ay kailangang tanggapin ang booster shots dahil malayo pa ang bilang ng nakapagpa-booster shots.
Mula sa 726, 242 na fully vaccinated ay tanging 139, 166 pa lamang ang may booster dose.
Samantala, nakiusap naman ang opisyal sa publiko na kung maaari ay magpabooster shots na bilang dagdag proteksyon habang nasa Alert Level 1 at patuloy na gawing una ang rehiyon ukol sa vaccination turn out dito. | ifmnews
Facebook Comments