Nangunguna pa rin ang Region 1 ukol sa COVID-19 vaccination rollout sa buong bansa batay sa monitoring nito lamang January 30, 2022 sa may 67.9% accomplishment.
Batay sa report ng National Vaccination Operations o NVOC, umabot sa 3.4 million na indibidwal ang nakakumpleto ng dose ng kanilang COVID-19 vaccines habang ang Pangasinan ngayon ay nakapagbakuna ng kalahating bilang ng nabakunahan na umabot sa 1.8 million vaccinated individuals sa Region 1.
Dagdag pa sa ulat ng NVOC na sa 5,353,139 kabuuang eligible population para sa pagbabakuna sa Rehiyon, 1,938,358 na indibidwal lamang ang nananatiling hindi nabakunahan na ay tinatarget na mabakunahan sa patuloy na paglulunsad ng pagbabakuna.
Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer na nananatiling matatag upang mapanatili ang walang humpay na pagbabakuna samga residente sa probinsiya.
Upang maabot naman ang target ng lalawigan na 90%, puspusan naman ang ginagawang paghikayat sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na umaabot na lamang sa 233,215 residente na nanatiling hindi nabakunahan ang dapat mabakunahan.
Samantala, pumangalawa naman sa best performing regions ang Region II na may 58.63% accomplishment mula sa target nitong 922,179, kasunod ang Region VI o Western Visayas sa 55.95% performance rating mula sa target nitong 2,533,921. | ifmnews
Facebook Comments