Region 12 at BARMM Covid 19 Free

Abot sa 5 ang Persons Under Investigation (PUI) mula Enero 29 hanggang sa kasalukuyan ang naitala sa buong region-12, 4 dito ay negatibo ang resulta, samantalang ang isa ay hinihintay pa ang resulta ng laboratory test.

Ito ang inihayag ni Department of Helath-12 Spokesperson Arjhon Gangoso sa panayam ng DXMY.

Anya, as of Jan. 29, hanggang sa ngayon, abot sa 88 ang Person Under Monitoring (PUM) sa region-12, 73 ang nakumpleto na ang 14 days self-quarantine at 15 PUMs na lamang ang tinatapos pa ang quarantine period.


Muling ipinaliwanag ni Gangoso na ang PUM ay yaong may history of travel abroad subalit hindi nakitaan ng sintomas ng COVID-19 kaya kailangan silang obserbahan sa loob ng 14 na araw.

Ang PUI naman ay yaong may history of travel abroad at pagdating sa bansa ay nagkaroon ng mga sentomas ng COVID-19 gaya ng ubo, sipon, lagnat at hirap sa paghinga.

Paliwanag pa ni Gangoso, na kapag ang isang indibidwal ay ikinikonsiderang PUI ay agad-agad itong ini-isolate sa isang level 2 o 3 na ospital.

Kapag ka ang isang tao naman ay itinuturing na PUM, isasailalim lamang ito sa home quarantine, ibig sabihin nasa isang silid lamang ng kanilang bahay at oobserbahan sa loob ng 14 na araw.

Samantala , isang PUM at isang PUI ang naitala sa BARMM.

Ayon kay BARMM Minister of Health Dr. Zafrulah Dipatuan, ang mga ito ay naitala sa Marawi City subalit negatibo naman ang mga ito sa COVID-19.

Sinabi pa ni Dr. Dipatuan na itinaas na nila ang antas ng alert status sa BARMM, ibig sabihin, ang lahat ng pagamutan sa rehiyon mapa-pribado man o pampubliko ay dapat na handa sa COVID-19, may mga inilaang ward at mga personnel na hahawak o mangangasiwa kasaling magkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments