REGION 2, MULING NAKAPAGTALA NG 50 NEW COVID-19 CASES

16

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala kahapon, Pebrero 20, 2021 ang Lambak ng Cagayan ng 50 na bagong positibo sa COVID-19.

Base sa datos ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development na inilabas ngayong araw, pumalo sa 8,303 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa rehiyon matapos madagdagan ng 50.


Samantala, mayroon namang naitalang 27 na gumaling at dalawa ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 5.92% (50) ang aktibong kaso, 92.01% (7,640) na ang gumaling, at 1.97% (164) ang namatay.

Facebook Comments