Ayon kay Gilly Anne Vicente ng DOH- Center for Health Development – Cagayan Valley, ang lahat ng probinsya kabilang ang Santiago City ay nakasailalim sa Alert Level 1 status mula Hunyo 1 hanggang 15, 2022 batay sa IATF Resolution No. 168-A s. 2022.
Aniya, nasa low-risk pa rin ang health care utilization rates sa lahat ng COVID referral hospitals
Sa katatapos na Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting, ayon kay Vicente na mayroong 14 na aktibong kaso sa buong rehiyon na mas mababa kumpara sa mga naitala noong nakaraang taon.
Lahat aniya ng aktibong kaso ay pawang local, 14% sa mga ito ay local health care workers at walang returning overseas Filipinos o foreign national travelers.
Sa kabuuan, mayroon nang 158, 638 na kumpirmadong kaso sa rehiyon, 152, 845 ang gumaling habang 5, 636 ang namatay mula nang magsimula ang pandemya.
Sa kabila ng minimal risk classification, pinayuhan ng DOH ang publiko na sundin pa rin ang minimum health protocols, lalo na ang pagsusuot ng facemask, pagsasagawa ng social distancing, at pagtiyak ng kalinisan.