Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa ‘Low’ risk classification ang buong Lambak ng Cagayan sa kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH Region 2, ang pagbaba sa ‘Low’ risk category ng buong Cagayan Valley ay indikasyon na bumababa na ang naitatalang kaso ng nadadapuan ng virus sa rehiyon sa nakalipas na dalawang Linggo.
Sa kasalukuyan, nasa ‘Moderate’ classification ang Lalawigan ng Cagayan at Tuguegarao City.
Nasa ‘Low’ category naman ang Lalawigan ng Isabela kabilang na ang Lungsod ng Cauayan, Ilagan at Santiago City.
Maging ang probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya ay nasa ilalim rin ng ‘Low’ risk classification.
Ang Lalawigan naman ng Batanes ay nananatiling nasa ‘minimal’ classification.
Gayunpaman, pinapaalala pa rin ng Kagawaran ng Kalusugan na sumunod pa rin sa mga minimum health protocols.