Region 3 Director General Aquino, todo-iwas sa media

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Region 3 Director Aaron Aquino na ilalabas ngayong araw ang crime lab resulta kaugnay sa marumal-dumal na Bulakan masaker.

Alas-otso palang ng umaga, nakita na ang si General Aquino sa pagdarausan ng pagpupulong pero sobrang ilap nito sa mga mamahayag.

Sa isang text message ng heneral sa DZXL 558 RMN, sinabi niya na ala-una mamayang hapon ilalabas ang resulta particular sa police provincial office ng Malolos, Bulacan,


Kung maalala, naubos lahat ng miyembro ng pamilya ni Dexter Carlos matapos umanong pasukin ng kapitbahay na lasing at sabog sa iligal na droga.

Una nang sinabi ni Bulacan Provincial Director Chief Sr/ Supt. Romeo Caramat na kinuhanan na nila ng fingerprints ang tatlong persons of interest gayundin ang suspek na si Carmelino Ibañes.

Sakali aniyang magtugma ito sa mga ebidensyang nakuha sa crime scene, ituturing nang sarado ang kaso.

Facebook Comments