Manila, Philippines – Nanguna ang Region 3 sa may pinakamaraming bilang ng mga drug dependents na sumuko at nabigyan ng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay TESDA Deputy Director General for Operation Alvin Feliciano, na siya ring officer-in-charge sa skills training ng drug surrenderees sa Region 3 pa lamang umaabot na sa 2,165 na mga drug dependents ang nabigyan ng skills training.
Samantala, sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 233 drug dependents na nabigyan ng skills training; National Capital Region (NCR) – 644; Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) – 145; Region 1 – 1,416; Region 2 – 854; Region 4A – 974; Region 4B – 2,057; Region 5 – 244; Region 6 – 359; Region 7 – 359; Region 8- 77;Region 9 – 599; Region 10 – 601; Region 11 – 580; Region 12 – 1, 232 at CARAGA Region – 719.
Sumatutal, pumalo na sa 13,258 drug dependents ang napagkalooban ng libreng skills training sa buong bansa.
Sinabi pa ni Feliciano na inaasahan na ng TESDA na mas madaragdagan pa ang bilang ng mga drug dependents na magpapatala para makakuha ng skills training base na rin sa naging resulta ng kanilang barangay skills mapping sa bawat rehiyon.