Regional command ng PNP, nag-meeting kaugnay sa banta ng seguridad sa rehiyon

Bicol, Philippines – Pinangunahan mismo ni Bicol PNP Regional Director Chief Superintendent Antonio Gardiola Jr. ang pagpupulong katuwang ang kanyang mga provincial director para alamin ang sitwasyon ng seguridad sa buong rehiyon.

Ito’y kaugnay sa banta ng seguridad laban sa mga rebelde na nakaambang manggulo sa darating na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinihiling din sa naturang meeting ang tulong ng kanilang friendly forces sa mga lugar na posibleng atakihin ng mgaa rebelde.


Facebook Comments