Target na madesisyunan ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) bago ang Holy Week break ng Kongreso sa darating na Marso.
Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos isara ng Senate Committee on Foreign Relations ang pagdinig kaugnay sa naturang free trade treaty.
Ayon kay Zubiri, magsasagawa ngayong weekend ng technical working group (TWG) meeting para sa RCEP at posibleng maipresenta na ito sa plenaryo ng Senado sa Miyerkules ng susunod na linggo.
Posible naman aniyang sa ikatlong linggo ng Pebrero o isang linggo matapos maipresenta sa plenaryo ay maaari na itong mapagbotohan ng mga senador.
Unang nalagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang RCEP at kinakailangan na lang ratipikahan o sang-ayunan ng mataas na kapulungan.