Manila, Philippines – Masyado na umanong huli ang pagsasagawa ng konsultasyon para sa federalism matapos na aprubahan ng Consultative Committee (Con-Com) ang draft para sa federal government.
Giit dito ni Albay Representatives Edcel Lagman, ang ‘Federal Charter’ na binuo ng Con-Com ay tapos na at wala na ring sapat na panahon para ilatag o ilagay ang mga inputs ng bawat rehiyon sa draft ng “federal constitution”.
Nakatakda kasi sa July 9 ang pagsusumite ng inaprubahang draft ng federal charter kay Pangulong Duterte.
Malinaw aniya na ang gagawing regional consultations ilang araw bago isumite ang draft sa Pangulo ay para lamang i-secure at tiyakin na ang gawa ng Con-Com ang siyang aaprubahan ng presidente.
Ginamit lamang din ang Con-Com para ma-justify sa taong bayan ang pagpapalit ng gobyerno sa unitary patungong federal system.
Hiniling na lamang ni Lagman na isapubliko ng Con-Com ang facts and figures gayundin ang mga opinyon at sentimyento na nakapaloob sa panukalang pagpapalit ng gobyerno.