Regional director ng Central Luzon Police, iimbestigahan na rin ng PNP kasunod ng POGO operations sa Tarlac at Pampanga

Aabot na sa mas mataas na lebel ang imbestigasyon ng Philippine National Police hinggil sa pamamayagpag ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Marbil na kanilang iimbestigahan ang regional director ng Central Luzon Police.

Ito’y matapos na magkasunod na madiskubre ang iligal na POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.


Ayon kay Marbil, aalamin nila kung paano sumulpot ang naturang mga scam farm.

Nabatid na bago nito, inalis na sa pwesto ang halos lahat ng mga pulis sa Bamban Municipal Police Station sa Tarlac habang inalis din sa pwesto ang hepe ng Pampanga Police Provincial Office.

Ani Marbil, ayaw niya sabihing may protektor na pulis sa iligal na POGO pero nais niyang malaman kung bakit may mga krimen na hindi nare-report sa hurisdiksyon ng mga hepe tulad na lang ng mga patay na katawan na biglang natatagpuan.

Facebook Comments