Regional Directors ng DepEd, maaaring suspendihin ang klase sa mga bayang sinalanta ng Bagyong Ulysses

Binibigyan ng Department of Education (DepEd) ang mga Regional Directors nito ng awtorisasyon na magdeklara ng suspensyon ng klase para sa distance learning sa kanilang mga nasasakupang schools division na apektado ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaaring suspendihin ng mga regional directors ang klase ngayong araw, November 13 hanggang bukas, November 14 sa harap na rin ng pinsalang idinulot ng bagyo at ng mga nagdaang bagyo.

Aniya, mabibigyan ng panahon ang mga pamilya, guro at mga schools personnel na makabangon mula sa kalamidad.


Dagdag pa ng kalihim, ang mga Regional Directors ay kailangang magsumite sa Office of the Secretary, sa pamamagitan ng Undersecretary for Field Operations ng report hinggil sa pagpapatupad nila ng nasabing authorization.

Facebook Comments