
Nagpaalala ang DSWD sa lahat ng regional director nito na sundin ang sampung araw na pagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) sa pamamahagi ng cash aid.
Ayon kay DSWD Rex Gatchalian, kasama rito ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Sa direktiba ng Comelec, bawal ang pamamahagi ng anumang uri ng ayudang pinansyal, simula ngayong biyernes, Mayo 2 hanggang Mayo 12.
Tanging medikal at burial assistance lamang sa ilalim ng AICS ang pinapayagang ipamahagi sa loob ng naturang panahon.
Facebook Comments









