REGIONAL ELECTION MONITORING ACTION CENTER(REMAC) PARA SA LIGTAS NA HALALAN 2025, INILUNSAD SA REGION 1

Bilang paghahanda sa nalalapit na halalan ngayong taon, opisyal nang inilunsad ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang Regional Election Monitoring Action Center (REMAC) upang matiyak ang ligtas at maayos na proseso ng halalan sa buong rehiyon.

Ang REMAC ang magsisilbing sentral na command post para sa pagmamanman at pagkonsolida ng impormasyon kaugnay ng halalan. Magbibigay ito ng real-time support sa mga personnel na nakatalaga sa field operations.

Pinangunahan ni PRO 1 Regional Director PBGEN Lou F. Evangelista ang aktibasyon at nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga pasilidad at kagamitan ng nasabing monitoring center.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang ahensya l upang masigurong maipatutupad ang mga alituntunin ng COMELEC. Binigyang diin ng pulisya na paiigtingin ang mga checkpoint operations upang mapigilan ang mga kriminal na aktibidad sa panahon ng halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments