Regional Information caravans, ilulunsad ng DSWD upang labanan ang fake news

Magsasagawa ng dalawang information caravan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para labanan ang misinformation, disinformation at fake news sa mga programa ng kagawaran.

Ayon kay Public Relations Division Director Clarissa Duran, layon ng caravan na maturuan ang publiko kung paano humanap ng tama at beripikadong impormasyon patungkol sa mga programa ng DSWD.

Target ng kagawaran na isagawa ang mga caravan sa mga komunidad na walang access sa tamang impormasyon lalo na ang mga nabibiktima ng mga scammer o nag-aalok ng tulong na pabibilisin ang pag-release ng kanilang ayuda.


Ang ‘Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon ay direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na labanan ang pagkalat ng fake news.

Facebook Comments