REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION 1( RMFB1), KATUWANG SA PINAIGTING NA CHECKPOINT SA REHIYON NGAYONG ELECTION PERIOD

Inihayag ng Regional Mobile Force Battalion 1 na Katuwang ang mga miyembro nito sa pinaigting na pagpapatupad ng COMELEC checkpoints sa Ilocos Region ngayong election period.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan kay RMBF 1 OIC, PCol Fidel Junio, nakatutok ang kanilang buong puwersa sa seguridad ng rehiyon.

Nagsisilbi ring augmentation ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa mga probinsiya.

Sa buong rehiyon, anim ang opisina nito na matatagpuan sa San Fernando City La Union na siyang headquarters, sa Laoag City sa Ilocos Norte, Cervantes at Tagudin sa Ilocos Sur at San Manuel at Dasol sa Sa Pangasinan.

Sa buong rehiyon aabot sa 1,200 na pulis ang nagmamando sa mga checkpoints upang maipatupad ang mga regulasyon ngayong nagsimula na ang gun ban kasabay ng election period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments