REGIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY, IDINAOS

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng National Nutrition Council (NCC) Region 2 at Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ang pagdaraos ng Regional Nutrition Awarding Ceremony.

Isinagawa ito bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na maisakatuparan ang mga programa at serbisyong pang-nutrisyon sa kanilang nasasakupan.

Dinaluhan ang seremonya ng mga LGUs, Barangay Nutrition Scholars, Local Nutririon Action Officers at Program Coordinators mula sa iba’t ibang lalawigan sa Lambak ng Cagayan.


Samantala, nakuha ng Provincial Government of Quirino ang Nutrition Honor Award dahil sa patuloy na dedikasyon sa pagsasawag ng mga nutritional programs at services.

Tinanghal naman bilang 2023 CROWN Awardee ang Municipal Committee ng Kasibu, Nueva Vizcaya dahil sa mahusay na implementasyon ng kanilag nutrition action plan sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments