Manila, Philippines – Inalerto na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanilang ilang regional offices na dadaanan at tutumbukin ng bagyong Salome.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan partikular nilang inabisuhan para i-alerto ay CALABARZON o Region 4-A, MIMAROPA o Refion 4b, Bicol Region at Eastern Visayas o Region 8.
Nakikipag-ugnayan din daw ang NDRRMC sa mga lokal na pamahalan ng mga nabanggit na rehiyon.
Ito ay upang agad na maisagawa ang Emergency Response Preparedness bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Salome.
Ipinapahanda ng NDRRMC ang kanilang local response team, sapat na suplay ng relief goods para sa mga lilikas na pamilya.
Ang mga hakbang na ito ng NDRRMC ay upang walang maitalang biktima ang bagyong Salome.
Simula pa kahapon nakamonitor na ang NDRRMC sa mga lugar na dadaanan at tutumbukin ng bagyo gamit ang kanilang command center sa Camp Aguinaldo.