Regional public safety battalion, doble ingat dahil sa nananatiling banta ng terorismo

Negros Island Region – Double ang effort ngayon ng regional public safety battalion sa Negros Island Region dahil sa nanatiling banta ng terorista sa Central Visayas.

Ito ang sinabi ni Psupt. Cresaleo R. Tolentino sa panayam ng DYWC RMN Dumaguete.

Aniya’y panay ang training at orientation nila upang laging handa sa ano mang banta ng bandidong terorista sa rehiyon.


Dagdag ni Tolentino, panay din ang kanilang kooperasyon ng bawat PNP station sa rehiyon.

Paalala niya sa publiko na mananatiling kalmado makipagtulungan sa awtoridad.
DZXL558,Anthony Maguinsay

Facebook Comments