Regional Search and Rescue Teams ng PNP, inutusang tumulong sa mga maapektuhan ng bagyong Maring

Manila, Philippines – Iniutos na ng pamunuan ng PNP sa lahat ng kanilang mga Regional Search and Rescue Teams na tumulong sa pag-aalalay sa mga biktima ng bagyo sa kanilang mga nasasakupan.

Ang direktiba ay ipinalabas ni PDDG Ramon Apolinario, habang patuloy na nananalasa ang bagyong Maring sa malawak na bahagi ng Luzon.

Habang ang PNP headquarters sa Kampo Crame ay activated na rin ang PNP Critical Incident Management Committee na pinangungunahan ni Police Deputy Director General Fernando H. Mendez Jr.


Nagbabantay ang mga ito para sa deployment ng mga Disaster Response Units sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Pangunahing kasapi ng SAR units ng PNP ay ang mga nasa Regional public safety battalion at PPSC o Provincial Public Safety Company.

Facebook Comments