Manila, Philippines – Sumentro sa regional security at pagpapalakas ng ekonomiya ang naging bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang lider ang paglaban sa mga pirata, terorismo at iba pang transnational crimes gaya ng ilegal na droga.
Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng Malaysia sa Mindanao at sa pagsusulong ng mapayapang pagresolba sa mga isyu sa West Philippines Sea (WPS).
Hinimok naman ni Mohamad ang Pilipinas na paigtingin ang trade and infrastructure development ng dalawang bansa.
Nagpahayag din siya ng suporta sa bagong Bangsamoro autonomous region.
Pinaninindigan ng Malacañan ang claims ng Pilipinas sa Sabah.
Ang Sabah ay isang teritoryong idineklarang parte ng Malaysian federation noong 1963.development
Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – matagal nang idinedeklara ng Pilipinas maski noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na mayroong pag-aari ang Pilipinas sa Sabah.