Regional Shelter Cluster ng DSHUD, pinagana na para sa agarang tulong sa mga biktima ng lindol

Gumagana na ang regional shelter cluster ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).

Ito ay upang mamahagi ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DHSUD Usec. Randy Escolango na kasama sila sa mga tumulong na ilikas ang mga residente noong nagbabala ng tsunami ang PHIVOLCS.


Namigay na rin sila ng shelter grade tarpaulins at meron din aniya silang rental subsidy.

Bukod dito, mayroon silang financial assistance program o ₱10,000 na agarang tulong para sa mga residente na ang mga bahay ay tuluyang napinsala at meron ding kaukulang halaga para sa mga partially damaged na bahay.

Nakikipagugnayan na aniya sila ngayon sa mga lokal na pamahalaan upang makuha na ang listahan ng mga naapektuhan ng lindol para maproseso agad ang mga ito at maibigay na ang kaukulang tulong.

Batay naman sa ulat ng DSWD, may ibibigay din silang tulong-pinansiyal sa mga nasiraan ng bahay na ₱25,000 sa mga totally damaged houses at ₱10,000 sa mga partially damaged houses.

Facebook Comments