Regional Special Operations Task Group, pagaganahin ng PNP sa pagsisimula ng campaign period para sa local position

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na pag-arangkada ng kampanya para sa mga tumatakbo sa local position.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, sa ngayon ay mahigpit ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para pigilan ang pamamayagpag ng Private Armed Groups o PAGs.

Nirerepaso na nila ang mga lugar na may matinding away politika para malagyan agad ng mga Regional Special Operations Task Group na siyang pagaganahin para tumulong sa pagpapanatili ng peace and order situation.


Una nang inilunsad ng PNP ang KASIMBAYANAN na kanilang adbokasiya para palakasin ang ugnayan ng pulisya, simbahan at komunidad upang masiguro ang ligtas na eleksyon sa Mayo 9.

Sa ngayon, inaayos na rin nila ang mga inihaing aplikasyon para sa security detail ng mga kandidato sakaling payagan ang mga aplikante na makakuha nito.

Facebook Comments