Cauayan City, Isabela- Ilulunsad ngayong araw ang Regional Tokhang Responders Sports and Disaster Olympics Competition sa Police Regional Office (PR02) Grandstand sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.
Ang mga partisipante ay mga nagwagi sa provincial level mula sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City Police Office (SCPO) maliban ang Batanes.
Mag-uumpisa ang naturang aktibidad ngayong alas 9:00 ng umaga at inaasahan ang pagdalo ni Regional Director Ferdinand De Villa ng DSWD Region 02 bilang panauhing pandangal.
Magtatagisan ng galing sa diskarte at liksi sa pagresponde sa anumang sakuna o kalamidad gaya ng bagyo, sunog at lindol maging sa aksidente sa kalsada.
Matatandaan na unang hinubog ang mga tokhang responder ng bawat bayan ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction Council (MDRRMC) bago isinabak sa provincial level.
Ang mga tokhang responder na sumailalim sa naturang pagsasanay ay katuwang ng mga MDRRMC bilang mga volunteer.