‘Regionalistic’ patronage appointment, hindi dapat pairalin sa pagtatalaga ng PNP chief at iba pang pwesto sa gobyerno

Umaasa si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hindi pinairal ang ‘regionalistic’ patronage appointment sa paghirang kay bagong Philippine National Police Chief Benjamin Acorda Jr.

Si Acorda ay tubong La Union sa Ilocos Region na siya ring lalawigang pinagmulan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sabi ni Castro, hindi dapat tularan ni Pangulong Marcos ang nakagawiang regionalistic patronage appointment ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Paliwanag ni Castro, ang pagkonsidera sa lugar na pinagmulan ng mga itinatalaga sa gobyerno ay nagdudulot ng pagkakawatak-watak at away lalo na sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Babala pa ni Castro, ito ay humahantong din sa mga paglabag sa karatapang pantao para lamang magpakitang gilas sa pangulo na siyang Commander in Chief at magkaroon ng malaking tiyansa na ma-promote.

Facebook Comments