Regionwide manhunt laban sa mga suspek sa pamamaril kay Tagapul-an Samar Mayor Vicente Limpiado Jr., iniutos ni PNP Chief Gamboa

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa ang regionwide manhunt sa mga suspek sa pamamaril kay Tagapul-an Samar Mayor Vicente Limpiado Jr. kahapon ng umaga, July 16, 2020.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nakaligtas sa pananambang ang alkalde.

Pero nakaalerto na ngayon ang Eastern Visayas Police Units para sa manhunt operation.


Inutos din ni PNP Chief kay PNP Region 8 Regional Director Police Brigadier General Bernabe Balba na tutukan ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring pananambang sa alkalde para agad maaresto ang mga salarin.

Sa ulat, nakarating sa Camp Crame, pasado alas-8:00 ng umaga kahapon ay nasa gate ng kanyang farm ang alkalde nang bigla itong pagbabarilin.

Sa pamamaril, nasugatan ang alkalde na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.

Facebook Comments