Simula ngayong araw ay maari ng magparehistro para sa eleksyon ang mga integral workforce, staff at personnel ng kamara kabilang na ang mga attached agencies maging ang kanilang dependents.
Bunsod ito ng pag-arangkada sa kamara ng RAP o Register Anywhere Project ng Commission on Elections (COMELEC) na bahagi ng paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Magsisimula ang RAP @ House of Representatives ngayong araw hanggang January 27 mula alas-8:00 ngayong umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang proyekto, dahil malaking tulong ito para mapabilis at maging maginhawa para sa mga taga-Kamara ang kanilang pagpaparehistro.
Tiniyak naman ni COMELEC Chairman Jorge Garcia, na mapoprotektahan ang personal information ng bawat botanteng magpaparehistro sa RAP program.
Itinuturing naman ni Romualdez na credible initiatives ang programa dahil sa pakikipag-ugnayan ng COMELEC sa mga stakeholders para matiyak na ang karapatang bumoto ng bawat Pilipino ay protektado.