Registered Voters ng Pangasinan tumaas!

Aabot sa higit dalawang libong clustered precincts ang identified ng COMELEC Pangasinan at inaasahang estimated 8,000 na mga guro ang magsisilbi naman sa buong lalawigan sa paparating na midterm election. Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Officer IV ng COMELEC sa datos ng lalawigan tumaas sa humig kumulang na 300,000 na voters ang naka-rehistro ngayon sa Pangasinan.

Mula sa humigit kumulang na 1.7 million registered voters noong nakaraang election ito ngayon ay pumapalo na sa kulang kulang 2 million. Ayon kay Atty. Sarmiento ito ay bunga ng mas pinaigting na kampanya ng COMELEC Pangasinan upang hikayatin ang mga mamayan sa lalawigan na magpa-rehistro at bumoto sa bawat halalan. Aminado naman si Sarmiento na may mangilan na nakakalusot sa listahang hindi na aktibo sa pagboto tulad ng mga patay na o nangimambansa dahil ito ay manually paring nila itong inaalis. Ayon naman dito ito ay mga isolated cases na lamang sa kadahilanang upgraded narin ang system of registration ng mga botante sa buong bansa.

Samantala nagpa-alala naman ang COMELEC Pangasinan sa patuloy na umiiral na gun ban, permissible election materials size at place kasama na ang kampanya sa social media, gayundin ang pagiging responsableng kandidato at botante ngayong papalapit na halalan.


Photo-credited to PIA Pangasinan

Facebook Comments