Mahigit 188,000 indibidwal na ang nakapagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa October 2023 ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa press briefing kanina, sinabi ni COMELEC Deputy Executive Director for Operations (DEDO) Rafael Olanio na kabuuang 188,129 Filipino na ang nag-apply bilang first-time registered voters hanggang noong December 30,2022.
Aniya, ang mga numero ay medyo mababa pa rin.
Sa naturang bilang, pinakamarami sa mga nagparehistro ay nasa 18 to 30 years old na nasa 101,944.
Sinundan naman ng 15 to 17 years old, na nasa 60,491; at mga botanteng 31 years old pataas, na nasa 25,694.
Maaari lamang makaboto ang 15-17 yrs. old ay sa SK Elections habang ang mga nasa 18 – 30 yrs. old ay parehong makakaboto sa Barangay at SK Elections.
Ang mga botante naman na 31 yrs. old pataas ay maaaring lumahok sa barangay at national elections.
Muli namang nanawagan ang COMELEC sa mga kwalipikadong indibidwal na magparehistro na dahil magtatapos na ang aktibidad hanggang January 31, 2023.