REGISTERED VOTERS SA DAGUPAN CITY, UMABOT NA SA 128K

Pumalo na sa 128, 000 ang bilang ng mga registered voters Dagupan City ayon sa Commission on Elections.

Ayon sa datos ng COMELEC Dagupan, nasa 128, 622 na ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa lungsod para sa Halalan 2022.

Ayon kay Attorney Michael Franks Sarmiento, ang Election Officer ng COMELEC-Dagupan, mas mataas ito kumpara sa naitalang registered voters noong 2019 National Local Elections na mayroong 119, 164.


Sa susunod na buwan nakatakdang magsagawa ng mall registration ang COMELEC upang mas mapataas pa ang bilang ng mga botante sa lungsod.

Nanawagan naman ito sa mga Dagupeño na magparehistro na bago ang deadline sa ika-30 ng Setyembre upang makalahok sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments