Registration booths, bubuksan ng COMELEC sa malls

Magbubukas na ng registration booths ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga mall.

Lumagda ngayong araw sa isang memorandum of agreement ang COMELEC at Robinsons Land Corporation para sa ilalagay na voter registration booths sa ilang Robinsons Malls sa buong bansa.

Kabilang sa mga Robinsons Mall na target lagyan ng registration booths ay sa National Capital Region, Central Luzon, North Luzon, South Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas at Mindanao.


Ang mga aplikante na mayroong QR code mula sa mobile application ay maaaring mag-apply sa mall na malapit kung saan sila nakatira.

Facebook Comments