Uumpisahan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) ngayon.
Ayon kay PSA Chief National Statistician Dennis Mapa, sisimulan ang step 1 ng registration kung saan kukunin ang sampung demographic information ng mga registrants.
Tutukuyin ang mga rehistrante, gamit ang ‘listahanan’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim nito, magbabahay-bahay ang PSA enumerators para kolektahin ang pangalan, kasarian, petsa ng kapangakan, lugar ng kapanakan, address, citizenship, marital status, cellphone number at email address.
Nasa siyam na milyong low-income household heads ang una nilang iparerehistro sa PhiSys.
Sinabi pa ni Mapa na magsisimula ang step 2 ng registration sa November 25 kung saan kukunin ang biometric information tulad ng iris scan, fingerprints at photograph.
Ang step 3 naman ay magsisimula sa 2021 at dito na sisismulan ang pag-iisyu ng PhilSys number at ID.