Registration ng mga light electric vehicle, pansamantalang sinuspinde ng LTO

Inihayag ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang suspendido muna ang rehistrasyon para sa mga light electric vehicle (LEV) gaya ng e-trikes, e-scooters, at e-bikes.

Ayon sa LTO, tiniyak nila na walang pagkukulang ang kanilang ahensiya sa regulasyon ng mga LEV kaya’t ipinataw muna ang suspensyon.

Paliwanag pa ni LTO, hindi malinaw ang mga regulasyon para masabing ligtas sa kalsada ang mga nasabing sasakyan.


Ang kaligtasan anila ng mga motorista ang kanilang pangunahing prayuridad kaya’t masusi nila itong bubusisiin nang husto.

Facebook Comments