Registration ng mga maliliit na online business, gawing madali ayon sa isang kongresista

Hinimok ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang Committee on Regulatory Relief na gawing madali ang pagpaparehistro ng mga maliliit na online business.

Ang nasabing komite ay binuo ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act na siyang tutukoy sa mga private sector projects na qualified para pagkalooban ng regulatory relief.

Bukod sa gawing simple ang proseso sa registration ng mga small online businesses, hiniling din ni Salceda sa komite na alisin din ang registration fees na ipinapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


Ipinunto ni Salceda na siya ring may-akda ng panukalang Online Small Business Support Services Act, na maraming mga small online businesses ang gustong gawing lehitimo ang kanilang mga negosyo pero nahihirapan dahil sa proseso ng mga licensing agencies.

Sa ilalim ng kasalukuyang proseso, kailangan humarap sa sampung ahensya para lamang makapagparehistro ng negosyo sa bansa bukod pa sa aabutin ng 33 araw para makumpleto ang proseso at kailangan pang magbayad ng registration fees sa BIR para sa pagbabayad ng buwis.

Facebook Comments