Asahan na ang na mas mabilis na internet connection sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ng National Telecommunications Commission ang aplikasyon ng Starlink Internet Services Philippines o SpaceX ang aplikasyon nito para sa Value Added Service provider.
Ang SpaceX/Starlink ay isang international telecommunication company na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Elon Musk na may direkta nang access sa satellite systems.
Sa ilalim nito, papayagan na ang Starlink na makapag-operate ng broadband facilities nito na siyang makapagbibigay ng mas mabilis na internet connection.
Nabatid na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na maseserbisyuhan ng Starlink na kayang makapagbigay ng high-speed, low latency satellite service na may download speed na 100 hanggang 200 megabytes per second (MBps).