Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig na pinalawig pa nito ang deadline ng registration para makapag-claim ng cash incentive ang mga mag-aaral ng lungsod na kabilang sa Pasig City Scholarship (PCS) program.
Batay sa abiso ng pamahalaan ng lungsod, mula sa orihinal na petsa nito na September 1, inusad ito sa September 28, 2020.
Kabilang sa PCS program ay ang mga college at techvoc graduates na may nakamit na academic honors nitong katatapos na academic year.
Para makapag-register, kailangan isumite ang original copy ng Certification of Honors na natanggap at kopya ng l graduation photo sa PCS Office.
Pwede ring magpasa ng requirements sa E-mail address na scholarsincentive@pasigcity.gov.ph pero kailangan pa ring magpasa ng hard copy ng certification para sa validation ng PCS Office.
Ang cash incentives na matatanggap ng may academic honors sa college ay P30,000 para sa Summa Cum Laude; P25,000 para sa Magna Cum Laude; at P20,000 para sa Cum Laude.
Habang ang sa Technical-Vocational, P10,000 para sa Valedictorian o 1st Honors at P5,000 para sa Salutatorian o 2nd Honors.