Registration para sa National ID System, Aasikasuhin na ng PSA

Cauayan City, Isabela- Aasikasuhin na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpaparehistro sa mga mamamayan para sa ilalargang National ID System.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Julius Emperador, pinuno ng PSA Isabela, sisimulan aniya ng kanilang tanggapan sa Setyembre ang pagkuha ng mga listahan ng pamilya na kanilang irerehistro ng libre para sa National ID.

Magsisimula aniya ang actual registration sa ika-12 ng Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon.


Ayon pa kay Ginoong Emperador, nasa 300 libong pamilya ang kanilang inaasahang mairerehistro na kabilang sa mga ‘poor families’ sa Lalawigan ng Isabela.

Magugunitang naisabatas noong 2018 ang Philippine Identification Act o National ID System matapos itong pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na layong mapabuti ang transparency sa pagbibigay ayuda at mapabilis ang pagbibigay ng iba pang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments