Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbubukas ng registration process para sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, sisimulan na ito sa mga probinsya sa darating na Lunes, ika-18 ng Enero.
Target naman ng PSA na marehistro ang nasa 50-milyon hanggang 70-milyong Pilipino bago magtapos ang 2021.
Habang sa susunod na buwan ay posibleng isagawa na ang mass rollout ng step 2 process.
Sa step 2 registration, kinakailangan ang validation ng iba’t ibang dokumento, maging ang pagkuha ng biometric information gaya ng fingerprint, iris scans, at pagkuha ng litrato.
sa ngayon, nagsasagawa pa ang PSA ng small-scale at gradual roll-out ng step 2 PhilSys registration para sa mga indibidwal na nakatapos na sa unang step ng registration.