Regular at collateral allowances para sa mga pulis, aprubado na ng NAPOLCOM

Inaprubahan na ng National Police Commission o NAPOLCOM ang adjusted na regular at collateral allowances para sa lahat ng uniformed members ng Philippine National Police o PNP.

Ito ay bilang suporta sa mga pulis habang isinasagawa ang kanilang mga trabaho.

Sa Memorandum Circular No. 2025-004, aprubado na ang special combat duty pay na P3,000 kada buwan para sa mga personnel na sumasama sa aktuwal na operasyon ng PNP.

Kasama na rin dito ang combat incentive pay na P300 kada araw para sa mga sumasama sa actual combat operations laban sa insurhensiya, terrorists, at lawless elements.

Ang mga personnel na naka-assign sa high-risk tasks ay tatanggap ng hazardous duty pay na katumbas ng 50 percent ng kanilang base salary at ang mga exposed naman sa radioactive elements ay mabibigyan ng karagdagang 15%.

Para naman sa specialized operations, mayroong sea duty pay na 25% at flying pay na 50% sa base pay ng mga personnel na kasama sa maritime at air missions.

Mayroon pang hardship allowances na 10% hanggang 25% ng kanilang base pay para sa mga personnel na nakadestino sa malalayong lugar.

Pero ang pagpapatupad ng revised allowance structure ay subject pa sa availability ng pondo na sesertipikahan pa ng Department of Budget and Management o DBM.

Facebook Comments