Regular at job order workers ng Pasig LGU, buong makukuha ang sahod – Mayor Vico Sotto

FILE PHOTO from Facebook/Vico Sotto

Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na buo ang suweldong makukuha ng kaniyang mga kawani sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine, mapa-regular man o kontraktwal.

“Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo — kahit yung mga Job Order na “no work no pay”. Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga’t maaari sa bahay lang muna kayo,” pahayag ng alkalde sa Facebook post.

Dagdag ni Sotto, tatanggap ng hazard pay at iba pang benepisyong maasahan ang mga nasa frontline.


Batay sa Executive Order No. PCG-15, maaring mag-work from home ang mga manggagawang nasa ilalim ng:

  • All satellite offices of BPLO and RPT
  • BAO
  • Civil Registry
  • Livelihood
  • IAS
  • UPAO
  • BCLP
  • Pasig Sports Center
  • PDAO
  • Tanghalang Pasigueno
  • PACD
  • PHRU
  • Scholar
  • YDP
  • CPDO
  • Cooperative Development Office
  • CATO
  • Building Official
  • City Perks
  • GAD
  • LYDC
  • Office of the Senior Citizen Affairs
  • Assessor
  • Pamantasan Lungsod ng Pasig
  • Library
  • PCIST
  • PLEB
  • RAVE
  • Museum
  • Public Employment Services Office

Samantala, ipinatupad ang skeletal workforce sa mga sumusunod na departamento:

  • Office of the City Mayor
  • Budget Office
  • Accounting Office
  • HRDO
  • Treasury
  • Public Information Office
  • Office of the City Administrator
  • GSO-Building Utility, Central Supply
  • CTDMO
  • Ugnayan sa Pasig
  • Building Maintenance
  • Electrical Maintenance
  • MIS
  • CENRO
  • Records Management Office
  • Engineering

Tuloy naman ang mga operasyon mga sumusunod na tanggapan:

  • City Health Office
  • CDRRMO, RED
  • Youth Home
  • City Veterinary Service Office
  • PACU
  • City Social Welfare Development
  • Pasig City General Hospital
  • BAC
  • Traffic Parking Management Office
  • Solid Waste
  • Kabataan Patrol
  • OPS
  • PCCH
  • TORO
  • Action Line
  • BCEO
  • Market Administration

Nitong Lunes, ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon bilang precautionary measure kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, mahigpit na ipinatutupad ang home quarantine, pagsuspinde ng operasyon ng transportasyon at ilang kompanya, pagre-regulate ng mga food at essential health services, at karagdagang pulis at sundalo na ide-destino sa checkpoint.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 187 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 12 na ang namatay.

Facebook Comments