Friday, March 27, 2026

REGULAR BOAT SCHEME, IPATUTUPAD SA HUNDRED ISLANDS SA HOLY WEEK

Magpapatupad ng regular service boat scheme ang pamahalaang panlungsod ng Alaminos para sa mga bibisita sa Hundred Islands National Park ngayong Holy Week mula Abril 2 hanggang 5, 2026.

Layunin ng hakbang na ito na mas maayos na mapangasiwaan ang pagdagsa ng mga turista sa Alaminos City. Ayon sa abiso, ang mga bangka ay ilalaan sa sistemang first-come, first-served at hindi tatanggap ng anumang reservation. Bukas ang Tourism Office mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Kasabay nito, inilabas din ang itinakdang boat rates batay sa kapasidad at haba ng biyahe:

Small (1–5 pasahero)- ₱1,600 (1-day tour) / ₱3,000 (2-day tour)

Medium (6–10 pasahero) -₱2,000 (1-day tour) / ₱3,800 (2-day tour)

Large (11–15 pasahero) ₱2,400 (1-day tour) / ₱4,500 (2-day tour)

Deluxe (16–20 pasahero)- ₱2,800 (1-day tour) / ₱5,500 (2-day tour)

Ipinatupad ang naturang sistema bilang tugon sa tumataas na presyo ng krudo at iba pang hamong pang-ekonomiya upang matiyak ang patas at sustenableng operasyon ng mga serbisyo para sa mga turista.

Hinihiling naman ng mga awtoridad ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko at hinihikayat ang lahat na magplano nang maaga para sa kanilang biyahe ngayong Semana Santa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments