Isasarado ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang kanilang mga regular branches alas-tres ng hapon bukas, June 19, 2020, at sa Lunes, June 22, 2020.
Base sa inilabas na anunsyo, magkakaroon ng system maintenance ang BPI sa darating na weekend.
Magsisimula ito ng alas-onse ng gabi bukas, June 19, 2020, hanggang 11:59 ng gabi sa Sabado, June 20, 2020.
Isasara naman ang mall branches ng BPI simula alas-kwatro ng hapon bukas.
Facebook Comments