Dalawang araw sa isang linggo ang regular cleaning day sa Mangaldan Public Market, tuwing Huwebes at Sabado dahilan ng paanyaya ng lokal na pamahalaan sa mga manlalako na makiisa sa aktibidad para sa kalinisan ng lugar at kaligtasan ng mga produkto.
Matapos ang malawakang paglilinis na ikinasa ng tanggapan noong Huwebes, January 8, kung saan natuklasan ang ilan pang kinakailangang tutukan at linisan sa pamilihan, mas tumindi ang pagnanais na pagbutihin pa ang kabuuang operasyon partikular fish at meat section.
Sa naunang inspeksyon ng mga ahensya sa pamilihan, kabilang sa mga nakitang depekto ang baradong drainage at ilang karton na maaaring pagmulan ng sunog.
Dahil dito, magsasagawa ng flushing ng drainage system upang maiwasan ang pagbabara, masamang amoy, at pagdami ng lamok.
Sa pagtutok sa kalinisan ng pamilihan, inaasahan ang mas maayos at kalidad na serbisyo publiko sa mga ibinebentang pagkain at ikabubuti pa ng operasyon sa kalakalan.










