Isinulong ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang “compassionate compromise” para sa mga manggagawa na hindi makakapagpabakuna laban sa COVID-19.
Diin ni Villanueva, dapat bigyang konsiderasyon ng gobyerno na may mga manggagawa na may lehitimong medical condition kaya hindi sila nakakapagpabakuna.
Giit ni Villanueva, para sa nabanggit na mga manggagawa ay dapat sagutin ng PhilHealth ang gastos sa regular nilang COVID-19 testing.
Mungkahi ni Villanueva, Magtalaga ng standard pricing sa COVID-19 test upang hindi naman malugmok ang PhilHealth.
Kasabay nito hiniling ni Villanueva ang patuloy na agresibong information and education campaign para mawala ang alinlangan sa pagpapabakuna.
Ayon kay Villanueva, makatutulong kung pagagalawin na rin ang lahat ng sangay ng gobyerno para makarating ang tamang impormasyon ukol aa COVID-19 vaccine hanggang sa mga barangay at pamayanan.