Manila, Philippines – Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pay rules ngayong araw, April 9 kung saan ginugunita ang ‘Araw ng Kagitingan’ na idineklarang regular holiday.
Sa unang walong oras ay 200% ang ibabayad sa pumasok sa empleyado at kapag lumampas ay may dagdag na 30% na hourly rate.
Kapag tumapat sa rest day o day off pero pumasok ang empleyado ay babayaran siya ng karagdagang 30% mula sa kanyang daily rate na 200%, kung humigit sa walong oras ang duty ay mayroong 30% na hourly rate.
Mababayaran pa rin ang 100% ng sahod sa araw na ito kahit hindi pumasok ang empleyado.
Ang Araw ng Kagitingan ay pagbigay-alala sa pagsuko ng Bataan noong ikalawang digmaang pangdaigdig.
Facebook Comments