Naglabas na ang Malacañang ng listahan ng mga regular holiday at special non-working days para sa susunod na taon o sa 2024.
Batay Proclamation No. 368 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin at may petsang October 11, 2023, nakasaad ang mga sumusunod na regular holidays.
Ito ay ang;
– Jan. 1, New Year’s Day
– March 28, Maundy Thursday
– March 29, Good Friday
– April 9, Araw ng Kagitingan
– May 1, Labor Day
– June 12, Independence Day
– Aug. 26, National Heroes Day (Last Monday of August)
– Nov. 30, Bonifacio Day
– Dec. 25, Christmas Day
– Dec. 30, Rizal Day
Narito naman ang mga araw na deklarado bilang special (non-working) days:
– Aug. 21, Ninoy Aquino Day
– Nov. 1, All Saints’ Day
– Dec. 8, Feast of the Immaculate Conception of Mary
– Dec. 31, Last Day of the Year
Additional special (non-working) days:
– Feb. 10, Chinese New Year
– March 30, Black Saturday
– Nov. 2, All Souls’ Day
– Dec. 24, Christmas Eve
Ayon pa sa PCO na ang pagdideklara naman ng national holidays para sa pag-obserba ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha ay ipalalabas lamang sa sandaling makapagrekomeda na ang National Commission on Muslim Filipinos ng tamang petsa para rito.
Nakadepende ito sa pagtukoy nila batay sa Islamic calendar o lunar calendar o Islamic astronomical calculations.