Plano ng pamahalaan na itaas ang hospital capacity sa NCR plus.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng 200 karagdagang intersive care unit (ICU) beds para i-accommodate ang karagdagang COVID-19 patients.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ilang regular hospital rooms sa government hospitals ay pwedeng i-convert bilang ICU beds.
May ilang ospital sa NCR plus ang nag-alok na maglalaan ng karagdagang 176 ICU beds sa higit 1,000 ward beds para sa COVID-19 patients.
Umaasa si Roque na maisasapinal ang planong conversion ng regular hospital rooms bilang ICU sa loob ng isang linggo.
Sinabi ni Testing Czar Vince Dizon na maaaring handa na ang mga ICU sa Mayo.
Maipapababa nito ang critical care utilization rate sa NCR plus ng nasa 70-percent.
Nagpapasalamat ang pamahalaan sa mga ospital na itaas ang kanilang ICU at warb bed capacities.